3 arestado sa tupada sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Arestado ang tatlong kalalakihan dahil sa iligal na tupada sa Housing Project Brgy. Bibincahan, East District, Lungsod ng Sorsogon.

Kinilala ang mga ito na sina VICTOR EBRADA ANSUS,  53 anyos, binata, ANTHONY BERNARD GOMEZ DURAN, 35 anyos, binata, at MICHAEL ESPARTINEZ MIRABETE, 41 anyos, binata lahat  residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, habang nagsasagawa ng ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng Sorsogon City Police ay naaktuhan ang mga ito ang nasabing mga indibidwal  habang nagsasagawa ng  ilegal na aktibidad na tupada.

Narekober sa posesyon ng mga suspek ang dalawang (2) buhay na panabong na manok, isang (1) tari na may dalawang (2) case, limang (5) panali, dalawang (2) strap at perang taya.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *