3 family members ni Ate Shawie tinamaan ng COVID-19 matapos ang bakasyon sa Australia

Imbes na labis ang kaligayahan, pangamba ang sumalubong sa pamilya ni Sharon Cuneta pagkatapos ng kanilang family vacation sa Australia.

Sa post kasi ni Sharon sa kanyang social media, tatlo sa family members nila ang nagpositibo sa COVID-19.

Humingi naman ng dasal si Sharon para sa kanyang pamilya at kaligtasan ng kanyang buong sambahayan at mga staff.

Kaugnay nito ay naka-isolate uli ang pamilya ni Sharon bagamat hindi niya binanggit kung sino-sino ang mga nagpositibo sa kanila.

Dahil din dito, hindi tuloy ang pagsama ni Sharon sa show sana ng ASAP Natin sa Las Vegas sa November 5.

Matatandaan na kakagaling lang ng Australia ng pamilya ni megastar kung saan doon sila nag-celebrate ng birthday ng kanilang anak na si Miguel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *