37 anyos na lalaki , nalunod habang nangingisda sa may bahagi ng Bagasbas Bridge 2

CAMARINES NORTE- Hindi na umabot pa ng buhay ng dalhin sa Panlalawigang Pagamutan ang isang 37 anyons na binata na matapos diumano ito ay malunod sa may parte ng Bagasbas Bridge 2, Purok-2, Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte nitong Hunyo 3, 2021 dakong 11:45 ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si JOHN SAAVEDRA y DELA RAMA, residente ng Bagong Lipunan, P-2, Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte.

Sa Report ng Daet MPS, ang biktima diumano habang nangingisda sa may parte ng Bagasbas Bridge 2, nang makita ito ng isang  nagngangalang Kenneth na nalulunod kaya’t dali dali nya itong sinagip at dinala sa dalampasigan subalit wala na itong malay.

Agad na dinala ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital ng mga tauhan ng   MDRRMO para sa agarang lunas subalit ito ay idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.

Samantala, ang imbestigador ng naturang kaso ay agad ipinagbigay-alam sa pamilya ng biktima ang insidente at kasalukuyang nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ukol sa pangyayari.

Ang labi ng biktima ay isinailalim sa post mortem investigation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *