4 na karagdagang Pilipino sa abroad, tinamaan ng COVID-19 ayon sa DFA

Naiulat ng Department of Foreign of Affairs na nadagdagan ng apat ang bilang ng mga Pilipino na tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

Dahil diyan ay sinabi ng DFA na pumalo na sa 20,280 ang kabuoang bilang ng mga nairehistro nitong mga kaso.

Base sa huling datos ng DFA ay makikita na tumaas ang recoveries sa 12,092 matapos ang paggaling ng pitong karagdagang pasyente.

Wala naman naitalang bagong fatality ang DFA na dahilan upang manatili ang death toll sa 1,219.

Sa kasalukuyan ay meron pang 6,969 na Pilipinong pasyente ang sumasailalim sa gamutan sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Naitala sa Middle East/Africa ang pinakamataas na bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 matapos nitong umabot sa 11,531 kabilang na ang 6,293 recoveries at 812 fatalities.

Nairehistro naman sa Asia Pacific Region ang 4,233 na kaso, kabilang na ang 2,702 na recoveries at 33 deaths.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *