4 na paaralan sa Camarines Norte nakatanggap ng  parangal mula sa National Brigada Eskwela ’21 Awards

CAMARINES NORTE- Apat (4) na paaralan ang nakatanggap ng parangal sa nagdaang  National Brigada Eskwela 21’ Awards na ginanap nitong Hunyo 20, 2022

Ang mga nabigyan ng Parangal ay ang Balce Elemetary School na umani ng Brigada Eskwela Best Implementing Small Elementary Catergory, samantala ang Tulay na Lupa Elementary School ay tumanggap naman ng Brigada Eskwela Best Implementing Large Elementary School Catergory,

Ang Labo Elementary School naman ay nagkamit ng Brigada Eskwela Best Implementing Mega Elementary School Category, at ang San Francisco National High School naman ay naitala bilang Brigada Eskwela Best Implementing Large Secondary School Catergory.

Ginawaran rin ng espesyal na parangal ang Food for the Hungry Philippines- Brigada Pagbasa Outstanding Volunteer Organization  na natamo ng South Poblacion, Jose Panganiban, at ang parangal na Brigada Pagbasa Outstanding BLGU na natanggap naman  ni Dr. Myla N. Deang, Division Partnership Focal Person National Awardee

Layunin ng naturang programa  na ito na  pagka-isahin ang  paaralan at kumunidad sa mas maayos at ligtas na pagbubukas muli ng panibagong taon ng pag-aaral .

Leave a Reply

Your email address will not be published.