4 na pamilyang Pilareño na biktima ng sunog, nakatanggap ng housing assistance mula sa NHA

SORSOGON CITY – Pinagkalooban ng National Housing Authority (NHA) ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng kanilang Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ang apat na pamilyang Pilareño na nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa barangay Guiron, Lipason, Palanas, at Bayasong, ng nasabing bayan kung saan tatlo sa mga ito ang nakatanggap ng Php30,000 habang ang isa naman Php20,000  at  umaasang maitatayo muli ang kanilang mga bahay sa pamamagitan ng nasabing tulong.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni NHA Sorsogon-Masbate District Manager, Teodora  Bandojo ang EHAP katuwang ang LGU-Pilar at Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO).

Ang EHAP ay suportado ng NHA Memorandum Circular No. 2021-070  na nagbibigay ng cash assistance sa mga pamilyang ang bahay ay naapektuhan ng sakuna o kalamidad kung saan upang maging kuwalipikadong benepisyaryo ng programa ay kailangan silang masuri at i-endorso ng kanilang lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *