BFP Olongapo pinapaalalahanan ang publiko na huwag iwanang nakasaksak ang mga cellphone

Pinapaalalahanan ng Bureau of Fire Protection Olongapo o BFP ang publiko na huwag iwanang nakasaksak ang mga ginagamit na cellphone.

Ito ay dahil may posibilidad itong pagmulan ng sunog lalo na madali itong uminit.

Kanina ay may isang insidente ng sunog ang naganap sa Laban St. Balic Balic Sta. Rita at isa sa naging sanhi ay ang naiwang nakasaksak na cellphone.

Gayunpaman paalala ng BFP sa publiko sakaling mawawalan ng suplay  ng kuryente  ay iunplug kaagad ang breaker para walang kagamitan ang pagmumulan ng sunog.// Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Batang Sta. Rita Ako

May be an image of one or more people and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *