4 na umano’y tulak, tiklo sa buy-bust sa Batangas City

Sa kulungan magva-Valentine’s Day ang apat na mga tulak umano ng iligal na droga matapos na maaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations ng mga otoridad sa Batangas City.

Ayon sa Batangas City Police Station, unang naaresto ang suspek na si alyas ‘Mitos’, 28 anyos, at residente ng lungsod.

Nakuha mula sa kanya ang nasa 1.22 gramo ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng ₱8,418.00.

Sunod naman na naaresto ang mga suspek na sina alyas ‘Jerome’, 32 at alyas ‘Andy’, 33 taong gulang.

Narekober mula sa kanila ang nasa 1.30 gramo ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng nasa ₱8,970.00.

Timbog din ang suspek na si alyas ‘Ejie’, 33 taong gulang at residente ng lungsod kung saan nakuha mula sa kanya ang isang pakete ng hinihinalang Shabu at buy-bust money na ₱500.00.

Ang mga suspek ay kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *