4 private establishments sa Albay nabigyan na ng Safety Seal Certification

LEGAZPI-Bilang parte pa rin ng programang Safety Seal ng Department of Labor and Empoyment katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno, 4 na pribadong establishemneto sa Albay ang nakatanggap na ng sertipikasyon.

Ayon sa DOLE Bicol, kasama sa may sertipikasyon na ang AP Renewables Inc. (APRI) isang geothermal energy producer sa bansa na matatagpuan sa bayan ng Tiwi.

Ang tatlo naman ay mga manufacturing at construction industries na East Pacific Star Brothers, Phil., Inc, Coca-Cola beverages Phil., Inc. at Legazpi Premium Dev. Corp. na nabigyan na ng safety seal certification noong August 6, 23, at 31, 2021.

Kung maalala, ang Safety Seal Certification Program ang mandato ng Inter-Agency Task Force Resolution No. 87 S. 2020 para malaman ang mga kompanya na sumusunod sa minimum health standards para sa ligtas na pagtatrabaho ng mga empleyado at maging ng mga customers.

Samantalang, pinasalamatan rin ni DOLE Bicol RD Regional Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita ang nasabing apat na private establishments sa pakikipag-isa at kooperasyon nito sa gobyerno ngayong pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *