410 mga bagong kaso at 318  mga recoveries sa COVID-19, naitala sa Bicol kahapon

BNFM BICOL—Kasunod ng kumpirmasyon ng Department of Health na predominant na ngayon sa Bicol Region ang Omicron subvariant na BA.2 tila, pinatutunayan naman ito ng patuloy na pagkakatala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Kahapon araw ng Huwebes, naitala sa Bicol ang karagdagang 410 mga bagong kaso ng sakit kung saan 183  sa mga ito ang mula sa Camarines Sur kung saan 75 ang mula sa Naga City; 22 sa bayan ng Pili; 16 sa Buhi; 11 sa Tinambac; siyam sa Iriga City at Nabua; lima sa Baao, Pasacao at Tigaon; tatlo sa Bula, Camaligan, Canaman at Libmanan; dalawa sa Milaor habang may tag-iisang kaso naman ang mga bayan ng Bato, Bombon, Calabanga, Lagonoy, Lupi, Magarao, Minalabac, Pamplona, Ragay, Sagñay, San Fernando at San Jose.

Ang probinsya ng Albay ay nakapagtala naman ng 98 mga bagong kaso    kung saan 20 nito ang mula sa Daraga; 18 sa Legazpi City; 16 sa Guinobatan; sampo sa Ligao City at Malinao; pito sa Sto. Domingo; lima sa lungsod ng Tabaco; apat sa Polangui; dalawa sa Bacacay, Rapu-Rapu at Tiwi at may tag-isa naman ang Camalig at Oas.

Samantala, ang Sorsogon ay mayroong 62 kaso kung saan 31 sa mga ito ang mula sa Sorsogon City; pito sa Gubat; anim sa Bulan; apat sa Pilar;; tatlo sa Barcelona at Castilla; dalawa sa Casiguran at tag-iisang kaso ang Donsol, Irosin, Juban, Magallanes, Matnog at Prieto Diaz.

Nasa 36 na kaso naman ang naidagdag sa Masbate kung saan 14 nito ang mula sa Mobo; sampo sa Masbate City; pito sa Mandaon; tatlo sa Aroroy at tag isa ang Milagros at Uson.

Ang Camarines Norte ay may 21 kaso ng COVID-19 kung saan anim nito ang mula sa Daet; lima sa Basud at Jose Panganiban; dalawa sa San  Lorenzo Ruiz at Talisay at isa naman sa Labo.

Habang ang islang lalawigan ng Catanduanes ay mayroong siyam na mga bagong kaso kung saan tatlo nito ang mula sa Virac; dalawa sa Caramoran at tag iisa ang Bato, Gigmoto, Pandan at Viga.

Isang kaso naman ang mula sa Antipolo City, Rizal ngunit ditto naitala sa Bicol.

Bunsod nito, pumalo na sa 56,532 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 9,068 sa mga ito ang aktibong kaso. Umabot naman sa 318 ang bilang ng mga bagong gumaling kung kaya’t nasa 45,428 na ang kabuuang recoveries habang nananatili naman  sa 2,036 ang bilang ng mga nasawi.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *