Mga LGU maaaring magrequest sa LTO para magsagawa ng libreng Theoretical Driving Course

Bukas ang Land Transportation Office sa mga Lokal na Pamahalaan na nais magrequest para magsagawa ng libreng Theoretical Driving Course.

Nakalipas na Disyembre ay sinimulan ng LTO ang programa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga barangay.

Sa ngayon umano ay maging mga LGU ay nakikipag-ugnayan na rin sa kagawaran.

Ayon kay LTO SBMA Asst. New Registration Unit Officer Ronald Navarrete, sa kasalukuyan ay bukas naman ang LTO na tumanggap ng request mula sa mga LGU para magsawa nito at ng Comprehensive Driver’s Education Course.

Kailangan lamang na makipag-ugnayan sa kanila para na rin makapag-schedule at kung mayroong available na tauhan kaagad ang LTO.

Matatandaan na nitong nakalipas na araw ay sinimulan ang programa sa San Felipe, Zambales bagamat limitado ang bilang dahil na rin sa mga health and safety protocols na ipinatutupad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of dessert and text that says 'Power Fact Did you know that Garlic was given to those who built the pyramids in Egypt? This was to enhance their physical strength and endurance. Power Cells HERBAL CAPSULE Tuldukan ang Sakit! Û.a- www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *