Supply ng Galunggong sa Bicol Region sapat – BFAR

NAGA CITY- Sapat ang supply ng galunggong sa Bicol Region ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ‘di tulad sa ibang mga rehiyon sa bansa kung saan pati sa Maynila ramdam ang kakulangan nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Nonie Enolva , tagapagsalita ng BFAR Bicol sinabing ang kakulangan sa supply sa ilang bahagi ng bansa ay dulot ng closed fishing season mula November 15, 2021 hanggang Feb. 15, 2022. Apektado ang Balud, Masbate kasama kasi sa mga fishing ban sa mga commercial fishing vessels ang Visayan Sea. Bawal manghuli ng tamban at galunggong upang makapag reproduce muna.

Sapat man ang supply ng galunggong o “sibubog” sa Calabanga Camarines Sur mayroong mabibiling frozen galunggong sa ilang merkado publiko halimbawa sa Pili.

Umaabot sa P160.00 ang presyohan ng bawat kilo ng nasabing isda sa Naga City People’s Mall.

Sinabi ni  Senator Cynthia Villar na siyang Chairman ng Senate committee on agriculture and food, na dapat iklian ng Department of Agriculture  ang fishing ban upang maiwasan ang pag-angkat ng isda.

Ngunit ayon sa BFAR, ginagawa na nila ang mga pamamaraan upang makapag reproduce.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *