44 out of school youths sa lunsod ng Legazpi, nakapagtapos na sa TESDA online program

LEGAZPI CITY – Aabot sa apatnapu’t apat na out of school youths (OSYs) sa lungsod ng Legazpi ang nagtapos kahapon sa TESDA Online Program (TOP) sa kursong Computer Systems Servicing at Bread and Pastry Production.

Ayon sa tanggapan, ang mga OSY na ito ay mga benepisyaryo ng Opportunity 2.0 na pinondohan ng USAID, isang limang taon (2022-2025) programa na naglalayong pahusayin ang mga resulta ng pagkatuto at kita sa pamamagitan ng pinalakas na pakikipagtulungan sa mga pangunahing stakeholders, pagbibigay ng mga pagkakataon para sa edukasyon, entrepeneurship, at pakikipag-ugnayan.

Sa pamamagitan ng nasabing programa at ng Legazpi City Youth Development Alliance, ang mga nagtapos ay makokonekta sa mga lokal na negosyo para sa mga trabaho at iba pang organisasyon at opisina para sa karagdagang edukasyon at mga oportunidad sa pagnenegosyo.

Sa panahon ng pagsasanay, nabigyan din ang mga benepisyaryo ng mga tablet at load.

Pinili ng USAID ang Legazpi City bilang isa sa labinlimang sites sa bansa para sa pagpapatupad ng Opportunity 2.0 program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *