Suspension ng klase sa Albay, lifted na

LEGAZPI CITY – Lifted na ang klase sa lahat ng antas ng pribado o pampublikong paaralan sa Albay matapos na maging maayos muli ang panahon.

Ayon sa Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (APDRRMO) sa inilabas na  advisory, ipinag-uutos na ng Pamahalaang Panlalawigan na ngayong araw ay magsisipagbalikan na muli sa kani-kanilang mga paaralan ang mga guro at mga bata o estudyante  dahil sa magandang panahon na nararanasan sa lalawigan.

Kung babalikan, sa unang araw pa lamang ng klase, alas-11 ng umaga nang magpalabas ng suspension sa klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Albay.

Pinasalamatan rin ng nasabing opisina ang mga BDRRMO sa lalawigan dahil ipinakita ng mga ito ang kanilang kahusayan sa kanilang mga barangay.

Maliban dito, nagawa rin ng mga ito na i-monitor ang kanilang lugar lalo na ang mga nasa low-lying at lahar-prone areas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *