Iresponsableng pet-owners, maaari nang bigyan ng citation tickets ng mga barangay officials

LEGAZPI CITY – Pinahintulutan na ng City Veterinary Office (CVO) ng legazpi  ang mga opisyal ng barangay na maaari nang mag-isyu ng citation tickets sa mga iresponsableng may-ari ng aso at iba pang alagang hayop.

Ayon kay Dr. Emmanuel Estipona Jr., head ng nasabing opisina, bibigyang-karapatan na ang mga barangay officials na magbigay ng citation tickets sa oras na makahuli ang mga ito ng stray dogs sa mga barangay.

Dagdag pa rito, pagmumultahin din ang mga residenteng napatunayan na gumagawa ng kalupitan sa mga hayop.

Pagmumultahin ng P5,000 ang mga may-ari ng alagang hayop na lalabag sa ordinansa, tatangi o hindi magparehistro at magpabakuna ng kanilang mga alaga.

Layunin nitong mabibigyan ng hustisya ang mga aso dahil sa kapabayaan ng mga nag-aalaga.

Dahil dito, mababawasan na rin ang aksidente sa kalsada at ang mga dog bite cases.

Dagdag pa nito, lilikha ng Barangay Rabies Prevention and Control Committee at Barangay Responsible Owner of Dog Committee (BRODC), ayon sa mandato sa Responsible Pet Ownership Ordinance na mayroong approval mula sa Legazpi City Council.

Ang ordinansa ay nagtatalaga ng mga alituntunin at regulasyon para sa epektibong pagpapatupad ng mga programa sa pag-iwas at pagkontrol sa rabies sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga parusa sa mga lalabag.

Sinabi ng opisyal na dapat tiyakin ng mga may-ari ng alagang hayop na ang mga ito ay palaging nasa kanilang likod-bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *