444, 308 CamNorteños rehistrado na sa Philippine Identification System (PhilSys).

CAMARINES NORTE – Umaabot sa kabuuang 444, 308 CamNorteños ang rehistrado na sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ito ay makaraang madagdagan ng nasa 51, 873 indibidwal sa step 2 registration o biometrics capture  hanggang noong Hulyo 30 ng taong kasalukuyan.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) Provincial Field Office patuloy din ngayon ang saturation activity sa pamamagitan ng mga ginagawang mobile registration sa buong lalawigan.

Habang ang LGU- based Registration Centers sa lahat ng munisipyo ay operational Lunes hanggang Sabado mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Magpapatuloy ng operasyon ang LGU- based RegistrationCenters hanggang Disyembre nitong taon.

Samantala, humakot naman ng parangal kamakailan ang PSA Camarines Norte sa 2021 PSA Awards na ginanap sa Crowne Plaza, Quezon City noong Hulyo 28.

Maliban sa pagkakasama sa Top 5 Provincial Offices sa buong bansa, nasungkit din nito ang 4th Place sa Best in Statistical operations.

Kinilala rin ang PSA Camarines Norte bilang isa sa Top Performing Offices sa pagsasagawa ng Step 2 Registration ng PhilSys noong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *