44k bagong promoted na mga pulis – hinikayat makiisa sa internal cleansing

May hamon na iniwan si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa 43,823 na na-promote sa iba’t ibang units ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa ceremonial oath-taking ng mga ito sa Kampo Krame – hinikayat ni Azurin ang mga opisyal na huwag nang sumama pa sa mga iligal na aktibidad at kalakaran ng iligal na droga.

Aniya, dapat itatak sa isip ng bawat mga pulis na hinding hindi ito dapat masangkot sa katiwalian.

Umapela rin si Azurin sa mga Kapulisan na makiisa sa ‘radikal’ na internal cleansing sa kanilang hanay kasunod ng hiling ni Interior Secretary Benhur Abalos na courtesy resignation sa lahat ng mga full colonels at mga PNP generals.

Matatandaaang sa naturang seremonyas na sabayang idinaos sa 17 regional offices sa bansa – 406 ang mga Majors; 3,568 Captain; 273 Lieutenant; 1,707 ang Executive Master Sergeant; 3, 507 Chief Master Sergeant; 3, 033 Senior Master Sergeant, 5,046 Master Sergeant; 11, 711 Staff Sergeant; at 14,562 Corporals.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *