Office for Transportation Security (OTS), pilay dahil sa mass resignation

Humihiling sa Kongreso ng karagdagang posisyon ang Office for Transportation Security (OTS) para madagdagan ang kanilang workforce para sa mga paliparan.

Ito ay kasunod ng nangyaring ‘exodus’ o ang pagsisialisan ng tinatayang 300 na job order at contractual personnel ng naturang ahensya dahil sa mababang sahod.

Aminado naman si OTS Undersecretary Mao Aplasca na may kababaan ang naiibigay na sahod sa mga personnel, kaya umaalis ang mga ito at mas pinipiling lumipat sa mga private sectors.

Binigyang-diin din ni Aplasca, na aabot lang sa apat na raan ang kanilang mga tauhan, at hindi na nito kinakaya ang trabaho sa airports.

Aniya, bumalik na ang passenger traffic kaya kinakailangan na nila ng dagdag na tauhan

Sa buong bansa, 4000 regular personnel ang kinakailangan ng ahensya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *