Catanduanes, mananatili sa ilalim ng Alert Level 1 COVID-19 status hanggang sa katapusan ng Marso

BNFM BICOL— Mananatili sa Alert Level 1 ang COVID-19 status sa islang lalawigan ng Catanduanes mula kahapon, March 16 hanggang March 31, 2022.

Dahil dito, mananatili rin ang pagpapatupad ng maluwag na COVID restrictions sa probinsya, kung saan pinahihintulutan ang pag operate at pagsasagawa ng mga indoor at outdoor activities gaya ng mga birthday parties, family reunions, contact and non-contact sports at iba pang uri ng pagtitipon.

Gayunpaman, ang mga indibidwal na 18-anyos pataas ay required pa ring mag presenta ng vaccination card sa tuwing dadalo sa mga gatherings at papasok sa mga establisiyementong pasok sa tinatawag na 3C’s o ang CLOSED, CROWDED at CLOSE CONTACT.

Batay sa pinakahuling datus ng Catanduanes Provincial Health Office, nasa tatlo na lamang ang aktibong kaso ng sakit sa probinsya mula sa 3,184 na mga naitalang kaso.

Sa buong Bicol region, tanging ang Catanduanes lamang at Naga City ang nasa ilalim ng Alert Level 1.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *