CAMARINES NORTE- Sa pamamagitan ng Official Facebook page ni Mayor Nory Ferrer Segundo ay inilahad nito ang mga impormasyon ng mga panibagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Vinzons
Kung matatandaan, sa ulat ng DOH Bicol, sa naturang bayan, may 6 na naitala nitong April 25, habang may isang nagpositibo na naiulat nitong April 21, 2021
Sa FB post ng naturang alkalde 5 sa mga nagpositibo ay kinabibilangan ng mga kabataan kabilang dito ang isang taon at 3 taong gulang na syang pinakabatang naiulat na nagpositibo sa sakit sa lalawigan ng Camarines Norte
Ang limang kabataan ay tinukoy ng LGU sa mga local code na:
Bicol#: 7406, 3 taong gulang na lalaki at Bicol#7407, 12 taong gulang na lalaki, na kapwa mga asymptomatic
Bicol# 7408, 1 taong gulang na babae pinakabata sa mga nagpositbo, Bicol#7409, 10 taong gulang na batang babae at Bicol# 7427, 13 taong gulang na babae, isang asymptomatic na pawang mga close contact
Ang mga kabataang ito na nagpositibo ay pawang mga residente ng Brgy. Matango Vinzons Cams Norte at kasalukuyang nakaquarantine sa MHO Vinzons
Habang ang dalawa pang nagpositibo ay tinukoy ng LGU na sina
Bicol #: 6792. 54 anyos na babae at isang guro residente ng Matango Vinzonsย na kasalukuyang nakaquarantine sa RHU III Daet at ย Bicol#: 7400, 31 anyos na babae isang frontliner na taga Calangcawan Norte na kasalukuyang nakaquarantine sa MHO Vinzons
Patuloy namang nagpapaalala ang naturang LGU sa publiko na sumunod sa Health Protocols
