Treatment czar pabor sa extended MECQ sa NCR plus

Pabor si treatment czar Health Undersecretary Leopoldo Vega na i-extend ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus para mapanatili ang nakamit na ng gobyerno sa mga nakalipas na linggo sa ilalim ng mahigpit na quarantine status.

Ayon kay Vega, kabilang sa mga achievement ng pamahalaan sa pagpapatupad ng ECQ at MECQ ay ang pagbubukas ng maraming intensive care units (ICU) at isolation beds para sa COVID-19 patients.

Halimbawa na lamang umano sa Metro Manila kung saan nasa 150 bagong ICU beds ang binuksan, kaya ngayon ay 931 ang ICU beds sa rehiyon mula sa 781 noong Marso.

Napataas din ng bansa ang bilang ng isolation beds sa mahigit 800.

Sinabi ni Vega na ngayon pa lamang natitiyak ang health system capacity at kung ide-deescalate ito, mahihirapan tayong mapanatili ang magandang bunga ng mahigpit na restrictions.

Ipinunto pa ni Vega na habang mayroong pagbaba sa bilang ng bagong COVID-19 cases na naitatala ng Department of Health (DOH), kailangan pa ring maghanda ng bansa para sa kahit anong posibleng senaryo sa COVID-19 situation.

Mababatid na pumalo na sa 71,675 ang active COVID-19 cases sa bansa, kabilang ang 7,204 bagong reported infections.

Leave a Reply

Your email address will not be published.