5 patay sa pick-up na sumalpok sa cargo truck sa Polomolok, SoCot

KORONADAL CITY — KASONG reckless imprudence resulting to multiple homicide ang posible kakaharapin ng driver cargo truck sa nangyaring aksidente sa Crossing Sulit Barangay Sulit, Polomolok, South Cotabato kahapon ng hapon na ikinamatay ng lima ka katao mula sa iisang pamilya.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Police Lt. Col. Verlin Pampolina, hepe ng Polomolok PNP, kinilala nito ang mga biktima na sina Emily Badilla, Shirley Lagos Badilla, Ailene Valencia Badilla na idineklarang dead on the spot sa aksidente habang namatay naman sa ospital sina Leah Toble Badilla at Lorlyn Olilia Badilla.

Mga pasahero ng pick-up ang lima na pawang mga residente ng Arakan, North Cotabato.

Samantala sugatan naman ang driver ng pick-up na kinilalang si Alex Badilla, 54 anyos at ang driver ng cargo truck na nasalpok nito na kinilalang si Paquito Costan Dalipe, 60-anyos na residente ng Barangay Apopong, General Santos City.

Sa imbestigasyon ng Polomolok PNP, ‘umovertake’ umano ang pick-up sa isang sasakyan at hindi nito namalayang may lumilikong cargo truck na siyang nabangga nito.

Maliban sa mga sasakyang sangkot sa aksidente, nadamay din ang isang motorsiklo ngunit nakaligtas naman ang driver nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *