50 gramo na shabu nasamsam sa pusher

SORSOGON NCITY – Isang 41-anyos na OHVT o ‘other high value target’ ang nakuhaan ng 50 gramo ng shabu sa ikinasang anti-narcotic operation ng PDEA-Sorsogon katuwang ang ilang drug enforcement units ng Sorsogon Police Provincial Office sa Brgy Phase-2 Caricaran, Bacon District sa lungsod ng Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News ng opisyal ng PDEA-Sorsogon na si IA5 Adrian Fajardo, kahapon ng hapon nang madakip sa ikinasang operasyon si Samuel Trapane Azas, may asawa at naninirahan sa Brgy San Juan ng nasabing distrito.

Nakumpiska sa suspek ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang ‘boodle money’ kung saan ang P1,000.00 lang dito ang tunay na pera.

Tinatayang nasa 50 gramos na shabu na may street value na P340, 000.00 ang nakuha sa suspek.

Ayon pa sa opisyal, si Azas umano ay matagal na nilang minamanmanan at ito lamang buwan ng Pebrero nang makumpirma nila na nagtutulak nga ito ng iligal na droga.

Ang suspek ay driver ng Montero Sport na nagbibiyahe ng mga LSIs mula Maynila – Bicol at bisebersa. Isinasabay umano nito ang kanyang trabaho bilang driver at pagtutulak ng droga.

Nahaharap na ito ngayon sa kasong may kinalaman sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *