50 sidewalk vendors ng Bulan, bibigyan ng maayos na puwesto ng LGU

Nasa proseso na ngayon ang Lokal na Pamahalaan ng Bulan ang pag-aayos ng bagong malilipatan ng aabot sa 50 mga sidewalk vendors sa buong bayan.

Ayon kay Bulan Market Administrator at Price Coordinating Council Chairman Fiel Guerero, ang mga nasabing vendors ay nakatakdang ilipat malapit sa seawall at coastal area malapit sa Bulan Port kung saan mas magiging komportable umano rito ang mga vendors at mga kostumer nila na may makikita pang view ng karagatan.

Umaasa ang opisyal na maayos na makikipagtulungan sa kanila ang nasabing mga magtitinda lalo na’t malaking tulong rin sa pagpapaluwag sa sentro ng bayan kung wala nang mga sidewalk vendors na nakapuwesto kung saan- saan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *