Free wifi, pinaplantsa pa ng DICT Sorsogon; sapat na pondo nanatiling problema

SORSOGON CITY – Aminado ang Department of Information and Communication Technology (DICT) Sorsogon na hindi pa lahat ng mga pampublikong lugar sa lalawigan ay mayroon nang access sa Free Wifi, na isa sa pangunahing proyekto ng ahensya.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Engr. John Nomel Ebuenga, sinabi nito na bagama’t base sa batas ay dapat  na malagyan ng libreng wifi ang mga pampublikong paaralan, mga pook pasyalan gaya ng mga parke, municipal compound ng bawat LGU’s at mga pampublikong pagamutan,  marami umanong salik ang nakakaapekto dito tulad ng kakulangan ng sapat na pondo, mataas na bilang ng gumagamit at mahinang connectivity dahil ibinabatay ito sa kung ilang buwan magbibigay ng internet ang isang service provider at ang DICT na nagbabayad rito na patuloy umanong hinahanapan ng solusyon ng ahensya.

Sa ngayon ay natutok ang DICT-Sorsogon sa pagkakaroon ng electronic-Business Permit licensing System (e-BPLS) sa bawat munisipyo upang makapagbigay ng mabilis na serbisyo sa lahat ng mga  dukumento at lahat ng uri ng permit na kinukuha sa munisipyo gamit ang online transaction.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *