505 na mga 4PS beneficiaries sa Camarines Sur, nasuspende at inalis na

NAGA CITY – Sa 598 na naitalang misbehavior na pagsasangla ng cash card, pagsusugal, ginamit sa alak at iba pang paglabag ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiary sa Camarines Sur, 505 na ang tuluyang sinuspende at tinanggal na sa programa ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD Bicol, simula taong 2022 hanggang sa first quarter ng taong 2023.

Ito ang kinumpirma ni Joy Ann Bisa Tagum, 4Ps Regional Grievance Officer ng DSWD Bicol sa isinagawang Media Forum sa Naga City.

Dumaan ang mga ito sa tamang proseso, hindi kaagad nagbibigay ng parusa o inaalis ng opisina ang mga benepisyaryo hangga’t maaari kasi ayaw nilang alisin sa programa at patuloy na nireremind, kaya maging sa pagpapatunay ng paglabag mahigpit sila.

Nilinaw na rin ng opisyal, lalo na sa pagsasangla ng Cash Card, na usong-uso pa rin hanggang ngayon, tangging ang mga benepisyaryo lamang ang maaari nilang parusahan o i-penalized kahit alam pa ng pinagsasanglaan, wala kasi silang hold doon o hindi nila kontrolado.

Kaya naman sa pamamagitan ng tulong at paggawa ng bawat Lokal na Gobyerno ng ordinansa hinggil sa pagbabawal dito, nababawasan ang ganitong mga kaso. Ilan nga sa bayan ng Camarines Sur, may ordinansa na nito maging ang LGU Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *