59 consumer warrior sa Santiago City, nangakong isusulong ang advance fair digital finance

Nangangako sa DTI- Isabela ang 59 na consumer warrior na isusulong ang advance Fair Digital Finance matapos ang selebrasyon ng 2022 World Consumer Rights Day kahapon, March 15, 2022 sa San Andres, Santiago City.

Ayon sa ahensya, ang nasabing mga consumer warrior ay mula sa Santiago City Consumer Organization, kooperatiba at youth sector members.

Una rito ay nagsagawa ng forum ang DTI kung saan inihayag ni Regional Business Head for NCR of Paymaya Philippines Mr. Joshua Jerald Deomano ang kahalagahan ng online financial service providers upang maprotektahan ang mga konsyumer sa kanilang mga online transactions.

Ipinaliwanag naman ni DICT Region 2 OIC-Drector III Allan Lao ang mga paraan upang ma-secure ang personal data ng mga konsyumer na gumagamit ng online banking services at applications.

Matapos ang isinagawang forum ay binanggit na ng mga consumer warrior ang Pledge of Commitment bilang pagsuporta sa digital finance.

Isinasagawa tuwing March 15 ang selebrasyon ng World Consumer Rights Day upang magkaroon ng kalaaman ang mga mamimili patungkol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *