COVID-19 active cases sa Isabela, lagpas 20 nalang

Lagpas 20 nalang ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela batay sa huling tala ngayong araw, March 16, 2022.

Sa datos ng Isabela PIO, naitala ang apat na parehong bilang ng bagong kaso at nakarekober habang zero naman ang casualty ngayong araw.

Tanging ang bayan ng Alicia, Cordon, Gamu at Santiago City ang nakapagtala ng panibagong kaso.

Kaugnay nito ay nasa 27 na lamang ang total active cases ng probinsya.

Nasa 20 na mga bayan at syudad ang mayroong pang natitirang aktibong kaso habang 17 naman ang COVID-19 zero case na.

Samantala, mananatili naman sa Alert level 1 ang buong probinsya hanggang katapusan ngayong buwan ng Marso alinsunod sa inilabas na resolution no. 164-D ng National IATF.


Sasailalim din sa Alert level 1 ang mga lalawigan ng Cagayan, Batanes at Quirino habang ang Nueva Vizcaya ay mananatili sa Alert level 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *