6 na magkakapatid na may “Albinism” sa England, kinilala ng Guinness

Coventry England—Kinilala at pinarangalan ngGuinness Book of World Records ang anim na magkakapatid mula sa Coventry England bilang “Most Albino Siblings” o ang pinakamaraming bilang ng mga magkakapatid na may “Albinism” sa buong mundo.

Kinilala ang mga itong sina Naseem Akhtar, Ghulam Ali, Haider Ali, Muqadas Bibi, Musarat Begum at ang bunso sa magkakapatid na si Mohammed Rafi.

Ayon sa panganay na si Naseem Akhtar, hindi nila kailanman ikinahiya ang kanilang kondisyon sapagkat ito rin ang dahilan ng kanilang pagkakabuklod-buklod.

Ang kanilang kondisyon ay namana pa nila sakanilang mga magulang sapagkat ito ay isang ‘genetic condition’ kung saan kulang sa produksiyon ng melanin ang katawan ng isang tao.

Ang melanin ang siyang nagbibigay ng kulay sa buhok, kutis at mata ng isang tao kaya ang pagkakaroon ng ‘melanin deficiency’ ay nagbibigay ng maputing kulay sa mga nabanggit na bahagi ng katawan.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *