63-anyos na aresto sa 298 counts ng Rape sa Camarines Sur

CAMARINES SUR-Arestado ang isang 63-anyos na lalaki sa 298 na counts ng Rape sa Camarines Sur.

Sa pinag-isang pwersa ng PNP Tigaon,  mga unit ng Camarines Sur Police Provincial Office at Naga City Police Office naaresto ang senior citizen na residente ng Cabalinadan , Tigaon sa kasalukuyang tirahan nito sa Barangay Caraycayon sa bisa ng warrant of arrest mula sa 5th  Judicial Region Branch 20 , Naga City.  Walang inirekomendang piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PEMS Elogio Biando , Deputy Chief of Police ng nasabing himpilan, trinabaho ng maiigi ang operasyon sa pangunguna ng Women and Children Protection Desk o WCPD. Naantala aniya ang proseso ng kaso, dahil sa pangalan at edad kaya inimbistigahan ng PNP at napag-alaman na menor de edad pa ang biktima.  May mga impormasyon hindi na dapat pang isapubliko dahil senstitibo ang kaso at step father pa ang may gawa ng kahalayan tuwing wala ang ina.

Ayon naman sa senior citizen may mga pagkakataon na ang biktima ang nag aalok umano sa kaniya.

Sa Record ng PNP Bicol, Rank No. 2 Regional Most Wanted ang lolo at Rank No. 1  Provincial Most Wanted naman sa Camarines Sur.

Inabisuhan ng PNP ang publiko na huwag mag atubiling mag sumbong sa  mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *