7 ospital, puputulin ang kanilang ugnayan sa PhilHealth dahil sa mahigit P800-milyong unpaid claims

Balak ng pitong pribadong ospital sa Iloilo City na huwag nang i-renew ang kanilang accreditation sa Philippine Health Insurance Corporation sa susunod na taon.

Dahil ito sa unpaid claims na aabot sa P895-million.

Sinabi ni Dr. Danny Encarnacion, presidente at CEO ng Metro Iloilo Hospital & Medical Center Inc. na pinaghahandaan na nila ang kanilang pagkalas sa darating na January 1, 2022.

Ipinunto niya na wala naman nangyari matapos ang kanilang meeting kasama ang state insurer noong December 20.

Kasama na rin sa mga ospital na may balak kumalas sa PhilHealth ay ang Iloilo Doctors’ Hospital, Iloilo Mission Hospital, Medicus Medical Center, Qualimed Hospital Iloilo, St. Paul’s Hospital of Iloilo at The Medical City of Iloilo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *