70% sa population ng aso sa Cauayan City, target na mabakunahan ng anti-rabies

Nagpa-alala ang City Veterinary Office ng Cauayan City kaugnay sa mga pagala-galang aso sa lunsod kaugnay sa selebrasyon ng World Rabies Day.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Cauayan City Vet Dr. Ronald Dalauidao, sinabi nito na maging responsableng pet owner at itali ang kanilang mga alagang aso at pabakunahan ng anti-rabies.

Aniya, 70% percent sa population ng mga aso sa lungsod ang nababakunahan kada taon at regular ang mass vaccination program ng ahensya katuwang ang iba’t ibang barangay sa lungsod.

Dagdag pa nito, nagbabahay-bahay umano sila sa bawat barangay upang mabakunahan ang mga alagang aso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *