70k halaga ng smuggle na yosi, huli sa Bataraza

Arestado ng mga tauhan ng Special Operation Unit- Maritime Group sa pangunguna ni PEMS Richard P Rodriguez sa patnubay ni PLTCOL RAE CHARLES DR ENRILE, Commander, 2nd SOU-MG ang dalawang suspek sa pagpupuslit ng smuggle na sigarilyo sa Sitio Dudungwan, Brgy. Buliluyan, Bataraza, Palawan.

Iniulat ng 2nd SOU- MG na nitong Huwebes, ganap na 1:50 ng umaga ay hinuli sina Alyas Hamid, 66 anyos at si Alyas Hajer, 27 anyos mga residente ng Sitio Dudungwan, Brgy. Buliluyan, Bataraza, Palawan.

Kinumpiska umano sa kanila ang 6) kahon ng assorted smuggled na sigarilyo (Astro, Fort, and Tex) na nagkakahalaga ng P70, 000.00.

Ang mga ebidensya ay dinala sa 2nd SOU-MG, Rio Tuba

Detachment habang ang mga nahuli ay nahaharap sa paglabag sa Section 1401 ng Republic Act 10863″ An Act Modernizing the Custom and Tariff Administration.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.