73rd Charter Anniversary ipinagdiriwang ng Naga City ngayong araw

NAGA CITY- Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-73 Charter Anniversary ng Naga City.

Nasaad sa aklat na The Birth and Re-Birth of a City ng Historian na si Dr. Danny Gerona, na ang mga unang nanirahan sa lugar ang mga Kastila, Tsino at Bicolano. Dati nitong pangalan ang Ciudad de Nueva Cáceres, na isa sa apat na Royal Cities ng España.

Naibalik ito sa pagiging bayan at sa pamamagitan ng Republic Act 305 noong 1948 naging isang ganap nang lungsod ng Pilipinas.

Sa paglipas ng panahon nakilala ang Naga bilang Pilgrim City, sentro ng komersyo at sa larangan ng edukasyon. Sa modernong panahon napapanatili ito; multi-awarded city at kinikilala sa Good Governance.

Ang Naga ay kabilang din sa limang Independent Component Cities sa bansa.

Sa isang talakayan sinabi pa ni Gerona, sa gitna ng krisis dahil sa pandemya hindi nagigiba ang pag-asensyo ng “Heart of Bicolandia”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *