75 new cases ng COVID-19 ngayong araw sa Bicol; total cases, halos 9k na

BNFM BICOL—Sumampa na sa 8,990 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng 75 panibagong kaso ngayong araw.

29 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan walo ang naitala sa lungsod ng Iriga, anim sa bayan ng Calabanga, apat sa bayan ng Tinambac, tatlo sa NAGA City, tigdadalawa ang mga bayan ng Magarao, Nabua at Pili at tig-isa ang bayan ng Buhi at Canaman.

18 bagong kaso ang nadagdag sa Masbate kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Cataingan, pito sa Masbate City at tig-iisa ang mga bayan ng Baleno, Esperanza at Uson.

17 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Albay kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Polangui, apat sa bayan ng Daraga, dalawa sa lungsod ng Legazpi at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Libon, Manito, Oas at lungsod ng Ligao.

Siyam na bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Catanduanes kung saan apat nito ay naitala sa bayan ng Virac, tigdalawa ang bayan ng Bato at San Andres at isa sa bayan ng Panganiban.

Dalawang bagong kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Sorsogon, isa sa bayan ng Casiguran at isa sa lungsod ng Sorsogon.

Dahil dito, pumalo na sa 2,666 (29.66%) ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Tatlong bagong insidente ng pagkasawi ang nadagdag, dalawa nito ay mula sa Albay at isa ang mula sa Sorsogon. Dahil dito, pumalo na sa 317 (3.53%) ang total COVID-19 death toll sa Bicol.

Samantala, 14 na panibagong recoveries ang nadagdag ngayong araw na pawang mula sa lalawigan ng Sorsogon kung kaya pumalo na sa 6,007 (66.82%) ang kabuuang COVID-19 recoveries sa Bicol.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *