8 barangay sa lungsod ng Legazpi naka “Red active Case Alert Status”- LGU Legazpi

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng City Local Government Unit (City-LGU) Legazpi na walong barangay ang nasa Red Active Cases Alert Status dahil sa patuloy ang pagdami ng kaso ng covid 19.

Ayon sa record, pinakamaraming ang high risk area ang Barangay Cruzada na mayroong 18 aktibong kaso, Barangay Gogon na may 12 kaso, 11 sa Barangay Rawis, EM’s Barrio 1 na may 10 kaso, Kawit East Washington na siyam na kaso, 8 sa Barangay Buraguis na aktibong kaso, Bonot 7 kaso at anim na kaso sa Barangay Bitano.


Ang mga nabanggit na barangay na nasa red active case alert ay nagpatupad ng kanilang granular lockdown upang hindi na kumalat pa ang nasabing sakit.


Tiniyak ng Lgu na ang mga sumailalim ng lokdown na household, sitio o purok ay bibigyan ng ayuda mula sa barangay at lokal na gobyerno.


Samantala, apat na barangay naman ang nananatili pa rin sa covid free ang Barangay San Joaquin, Bariis, Buenavista at Ilawod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *