8 katao patay sa pamamaril sa isang birthday party sa South Africa

Walo katao ang patay habang tatlo ang nasugatan matapos pagbabarilin ng dalawang gunmen ang isang grupo sa pagdiriwang ng isang kaarawan sa isang bayan sa South Africa.

Sa pahayag ng pulisya, pumasok sa bakuran ng isang bahay ang mga suspek saka nagsimulang pagbabarilin ang mga bisita ng may-ari ng isang bahay sa southern port city sa South Africa.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa nangyari pag-atake at naglunsad ng manhunt operation sa mga salarin.

Ayon sa mga awtoridad, karaniwan na lamang ang insidente ng pamamaril sa South Africa na isa sa may pinakamataas na murder rates dahil sa gang violence at alcohol.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *