Isang 85-taong-gulang na babae ang inatake ng isang buwaya habang inilalakad ang kanyang aso sa isang retirement community sa southern US state of Florida.
Ayon sa kapitbahay ng biktima na kinilala lamang bilang Carol, nakita niya ang babae na kinaladkad ng buwaya sa Spanish Lakes Fairways sa Fort Pierce.

Agad siyang tumawag ng emergency services sa pag-asang matutulungan ang kanyang kaibigan.
Ayon sa Florida Fish and Wildlife Conservation Commission, nakaligtas ang aso sa pag-atake, ngunit ang babae ay namatay dahil sa mga natamo niyang injuries.//CA