97 katao nasawi sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Sudan

Umakyat na sa 97 katao ang nasawi sa patuloy na kaguluhan sa pagitan ng sundalo at Rapid Support Forces paramilitary group.

Niyanig ng mga pagsabog ang bahagi ng Khartoum habang daan-daan naman ang naiulat na sugatan.

Nagbunsod ang labanan dahil as pagnanais ng dalawang magkaribal na puwersa una ay sa pamamagitan ni Abdel Fattah al-Burhan ng Sudan’s military at si Mohamed Hamdan Dagalo ang commander ng paramilitary Rapid Support Forces.

Ang dalawang grupo ay dating magkaalyado dahil sila pa ang nagpatalsik kay Sudanese President Omar al-Bashir noogn 2019 at sila rin ang nasa likod ng military coup noong 2021.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *