NAGA CITY – Tumaas ng 195 hanggang 200 ang kinakatay na baboy araw-araw sa Naga City.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Veterinarian Dr. Junius Elad, sinabi nitong na umaabot na sa 195 hanggang 200 ang mga nakakatay na baboy araw-araw, dahilan para bumaba ng kaunti ang presyo ng karne.
Ayon kay Elad, nasa 260 hanggang 280 pesos ang per kilo ng baboy subalit mataas-taas pa rin ang presyuhan sa pampublikong pamilihan sa Naga City People’s Mall.
Nasa 98% ng mga nagpapakatay sa city abattoir ay mga mangbababoy mula sa Naga City, kaya naniniwala sina Elad na tuluyan na ring bababa ang presyo ng mga karneng baboy sa merkado.
Maluwag ng makaka-pag-alaga ng mga baboy ang dating mga may babuyan na naapektuhan ng African Swine Fever noong nakaraang taon. Ngayon ASF Free ang Naga. Kinumpirma ito ni Elad batay na rin sa naging resulta ng huling 150 mga buhay na baboy na isinailaim nila sa blood sampling.
Magkagayunman, nananatili silang naka-monitor sa mga babuyan at laging pinaalalahanan ang hog raiser na panatilihin ang kalinisan sa paligid.