Mahigit 100 na bata sa Camaligan, Camarines Sur hindi tama ang timbang

NAGA CITY – Mahigit 100 na mga 0-5 anyos na mga bata sa Camaligan , Camarines Sur ang hindi tama ang timbang o mga overweight at underweight.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Nonoy Severo, Municipal Health Officer ng naturang bayan sinabing ang 89 na overweigh ay maituturing pang tolerable.

Sa kaso naman ng underweight, nakapagtala ng 40,  pero pangalawa sa buong Camarines Sur sa may pinakamababang bilang ng mga batang kulang sa timbang. Nagpapakita na maganda ang nutrition status ng bayan at hindi nakakaalarma.

Dagdag pa ng Doktor, malaki ang naging epekto ng pandemya; kakulangan ng mga physical activities ng mga bata, at pagpapakain ng hindi tama.

Dahil din sa pandemya, hindi na ngayon naibigay ng mga magulang ang magandang nutrition sa mga bata dahil sa nawalan ng trabaho, at walang kakayahan kaya may mga bilang pa rin ng underweight sa bayan, kung saan dapat na naibibigay sa mga bata ang tamang nutrition para sa kanilang kapakanan at kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *