Matapos ang dalawang lingong umento sa gasolina – rollback, posible sa susunod na linggo

Kasunod ng dalawang magkakasunod na linggo ng taas-presyo sa gasolina – asahan naman ang panibagong round ng rollback sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng oil industry sources, asahan ang sitenta hanggang nobenta sentimos na tapyas sa kada litro ng gasolina.

Posible ring magtuluy-tuloy pa ang pagbaba sa presyo ng diesel.

Matapos ang apat na araw na trading, maaaring mabawasan ng P1.70 hanggang P1.90 ang kada litro ng diesel.

Matatandaang nitong Martes nang ipatupad ang dagdag-bawas sa presyo ng oil products.

Sa araw ng Lunes sa susunod na linggo, inaasahang iaanunsyo na ang opisyal na price adjustments sa produktong petrolyo, habang magiging epektibo naman ito sa araw ng Martes.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *