Kapitan ng Balogo at Almendras-Cogon, nagbigay paliwanag tungkol sa inireklamong basura sa boundary ng kanilang barangay

Nagpaliwanag ang mga Barangay Chairman ng Balogo at Almendras-Cogon tungkol sa reklamo ng tambak na basura sa boundary ng kanilang lugar na ipinaabot sa Brigada News FM Sorsogon ng ilang residente.

Ayon kay Richard Dioneda, Chairman ng Almendras-Cogon, posibleng nagkaroon lamang umano ng aberya sa garbage truck ng lungsod kaya umabot ng ilang oras bago nakolekta ang mga basura.

Saksi aniya ang kanilang barangay na alas 4:00 o alas 4:30 pa lamang ay kinukuha na ng garbage collector ng lungsod ang nasabing mga basura.

Pahayag naman ni Balogo Barangay CaptainĀ  Melvin Hainto, bagamat garbage truck aniya ng lungsod ang kumukuha sa mga nasabing basura, dinadaanan din aniya ito ng garbage truck ng barangay para mag- augment sa pagkolekta ng basura sa lugar, nag kataon lang aniya na nasa ruta ang kanilang mga truck para mangolekta ng mga basura sa looban ng barangay at maliwanag na ang sikat ng araw bago ito naipaabot sa kanila.

Ayon pa sa dalawang barangay officialsl, pag-uusapan nila ang gagawin nilang hakbang para hindi na gawing tapunan ng mga basura ang nasabing lugar, dahil kung tutuusin umano bawal talagang mag tapon ng basura sa gilid ng national highway.

Hindi lang umano angĀ  mga residente na malapit sa lugar ang nagtatapon ng basura, kundi maging ang mga mula umano sa ibang purok na nakaugalian nang magtapon ng basura sa kanilang boundary.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *