James Harden, tinitimbang ang pagbabalik sa Rockets

Tinitimbang ngayon ni dating NBA Most Valuable Player na si James Harden ang pagbabalik sa Rockets sa pamamagitan ng free agency kung pipiliin niyang hindi manatili sa Philadelphia 76ers.

Ang beteranong guard ay pumirma ng $68.6 million two-year contract sa Sixers na magpapahintulot sa kanya na mag-opt out bago ang susunod na season at maging isang free agent.

Sinimulan ni Harden ang kanyang karera sa Oklahoma City Thunder, na pinili siyang overall No. 3 sa 2009 NBA Draft.

Sa 959 career games,  si Harden ay may average na 24.9 points, 5.6 rebounds at 6.9 assists.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *