Gen. Eleazar ipinag-utos sa CD at RD ng PNP sa GenSan na tutukan ang pagpatay sa chief of staff ng Brigada

Kinumpirma ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar na nakarating na sa kanyang kaalaman ang nangyaring pamamaril-patay sa chief of staff ng Brigada Group of Companies na si Yen Abedo-Quintoy.

Sa isang text message, sinabi ni Eleazar na nasabihan na niya ang City at Provincial Director ng General Santos para agad na resolbahin ang naturang kaso.

Mababatid na nasawi si Quintoy matapos tambangan at barilin ng riding-in-tandem habang papauwi na sana ito sa kanilang bahay para mananghalian nitong Biyernes.

Sa nakalap na datus ng Brigada News, ngayong taon lamang, umabot na sa 20 ang naitatalang shooting incident sa General Santos City na ikina-alarma na ng mga residente.

Una nang nag-alok ng P1-Million reward money ang pamunuan ng Brigada Group of Companies sa pamamagitan ni Brigada President/CEO Elmer Catulpos sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa mga responsable sa naturang kremin.Aa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *