Sumatra Island, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang coastal area ng Sumatra island sa Indonesia.

Ayon sa report ng US Geological Survey, naitala ang epicenter ng lindol sa 48 kilometers south-southeast ng Singkil city sa Aceh province na may lalim na 37 kilometers.

Nangyari ang lindol bandang alas-6:30 ng umaga kung saan unang naitala sa lalim na 48 kilometers.

Nilinaw naman ng Indonesia Meteorology Climatology and Geophysics Agency na wala namang naitalang banta ng tsunami habang wala namang naitalang immediate na major damage at casualties ang mga otoridad.

Nagdulot naman ng pagpapanic sa mga residente ang pagyanig lalo na at ang Indonesia ay kasama sa tinatawag na Pacific Ring of Fire

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *