41 pasahero at 5 tripulante ng lumubog na bangka, na-rescue ng Coast Guard sa Palawan

Matagumpay na nailigtas ng Coast Guard (CGS) South Western Palawan ang 41 pasahero at 5 tripulante matapos ang bahagyang lumubog na bangka sa karagatan malapit sa Caboang Bay, Barangay Salang, Balabac, Palawan nitong araw ng Linggo, ika- 29 ng Enero 2023.

Sa ulat ng CGDPal, naglayag ang motorbanca Jatropha sa karagatan malapit sa Barangay Salang, Balabac patungo sa Buliluyan, Palawan, hinampas ng malakas na alon ang bangka at nasira ito na naging sanhi ng pagkasira nito.

Ang Coast Guard SWP ay nagsagawa ng agarang search and rescue operations sakay ng speedboat at Motorbanca Neshrine, at isa pang hindi pinangalanang speedboat na pag-aari ni Joel L Bautista.

Natagpuan ang pampasaherong bangka mga 0.5 nautical miles sa baybayin ng Sitio Tutungan, Barangay Salang, Balabac, Palawan.

Lahat ng mga pasahero at tripulante ay ligtas na dinala sa Balabac at lahat ay nasa mabuting kalagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *