Mayweather, nalulungkot para kay Pacquiao

Ilang sandali lamang pagkatapos ng exhibition match ni Floyd Mayweather Jr. sa Youtuber na si Logan Paul ay nagbigay siya ng opinyon kaugnay sa susunod na laban ni Senator Manny Pacquiao.

Sa post-fight press conference ay sinabi ng 44-anyos na American boxer na lumalaban pa rin si Pacquiao sa professional bouts sa kabila ng edad nito na 42-anyos.

Nakatakdang makalaban ng eight-division champion ang WBC at IBF world welterweight champion na si Errol Spence Jr. sa August 21.

Ipinunto ni Mayweather na pinapasok niya ang exhibition matches dahil labas ito ng boxing at gusto niyang magsaya.

Dahil diyan ay sinabi ni Mayweather na nalulungkot siya para kay Pacquiao na kailangan pa rin lumaban sa professional ring sa kabila ng edad nito

Nais rin ni Mayweather na malaman ng lahat na siya ay financially set na habambuhay salamat sa kanyang properties at investments kabilang na ang kanyang jet at mga sasakyan.

Samantala,  base sa 2019 Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Pacquiao ay meron itong networth na P3.17-billion, na dahilan upang siya ay maituring bilang ikalawang pinakamayaman na senador sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *