Marcos, pinare-review ang tripartite agreement sa pagitan ng US at Japan

Inihayag ni President Ferdinand Marcos Jr. na irereview ng gobyerno ang posibleng “tripartite agreement” sa dalawang malapit na kaalyado ng Pilipinas – ang United States at Japan.

Ayon sa Presidential Communications Office, sinabi ng pangulo sa panayam sa kanya ng Kyodo News na maraming iba pang issue na inilahad ng delegasyon ng Pilipinas sa Tokyo sa planong pagpapalakas ng alyansa sa kanilang long-time partners.

Para sa pangulo, bahagi lang umano ito ng continuing process sa pagpapalakas ng kanilang alyansa dahil sa panganib na sitwasyon, hindi lang sa South China Sea, o Indo-Pacific region, kundi maging ang gulo na nagpapatuloy sa Ukraine at iba pang disturbing effects sa buong mundo.

Una nang nagkasundo sina Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palalakasin ang defense at security relations ng Manila at Tokyo, at sinabing magkakaroon din sila ng bilateral discussions kaugnay sa pagtugon sa regional at international situations, lalo na sa Indo-Pacific region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *