BFP, magpapadala umano ng mga tauhan sa Turkey at Syria upang tumulong sa paghahanap ng mga nakaligtas matapos ang malakas na lindol

Inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bicol na mayroon silang ipapadalang mga tauhan sa Turkey Syria upang tumulong sa paghanap ng mga taong nakaligtas matapos ang pagguho ng mga gusali dahil sa malakas na lindol.

Ayon kay BFP Bicol Chief Public Information Unit, Fire Senior Inspector Edgar Tañajura, Jr., ang pagpapadala ng mga tauhan ay bilang pagpapakita rin ng suporta sa mga bansa dahil naging bahagi rin sila sa pagtulong laban sa COVID-19.

Aniya, may mga nauna na ring mga tauhan mula sa ibang ahensya na ipinadala sa nabanggit namga bansa tulad ng DOH, MMDA at Phil. Army kung kaya’t naghahanda na rin ito para sa ikalawang wave sa pagpapadala ng tauhan.

Wala na ring iba pang tutulong na departamento o ahensya ng gobyerno kundi ang may alam rin sa pagrescue.

Sinabi ng opisyal, inaayos na rin ng BFP ang mga requirements para sa nasabing bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *